Posted by narda on Feb 2, '07 11:44 PM for everyone
Category:Music
Genre: Rock
Artist:narda
here's something sent by nathanmy:

May copy nako Discotillion mula pa nung narinig ko Molotov sa NU medyo matagal na yun, inabangan ko na album nyo. Eto malupet nauna ko pa nakita yung kopya sa pirata kesa sa Music One, pero dont worry I have the original, di ako tanga, P280 na nga lang bibili pa ba ko ng pirata, and can I mention na kahit ibenta pa ng P450 yung album it would still be worth it. Lupet nung album walang kantang lalaktawan, bihira nalang mga album na lumalabas na pakikinggan at tatapusin mo bawat track. Tapos sakto lang dami ng kanta, una iisipin mo bitin pero yun nga kandahan nung album siguradong uulit-ulitin mo hanggang sa maintindihan mo ang mensahe ng bawat kanta o kung di mo makuha, yung tugtugan nalang ang iintindihin mo.Sayaw!

Galing din ng pagkaproduce ng album, kahit na wala akong alam sa mga teknikal na bagay tulad ng pagproduce, mix at master ng kanta alam kong maganda ang pagkakagawa nito sa Discotillion. Tama lang ang timpla, kahit na may gamit na mga synths di parin magulo,di sasakit ulo mo, di sya Technotillion! Magaling ang gitara, sakto lang kasama ng synths, di nangigibabaw pero di rin natatabunan. At syempre ang tambol ni Sir Ryan, isa lang ang masasabi ko, it's HOT PANDESAL, la lalalaa la la lalalala, brings back Tungaw memories, sa mga batang di inabutan ang bandang yun, sayang.Belat. At syempre makakalimutan ko ba naman ang Bokalistang si ms.Katwo, hindi lang sya magaling sa Bokals, maganda pang Bokal.

Napadaan ako kanina sa Music One sa town center, ubos na kopya ng Discotillion nakakatuwa at marami ang sumoporta. Napadaan din ako sa Odyssey sa Festival Mall, tinignan ko din kung maganda benta dun, putcha akalain mo nilagay ang Discotillion sa likod ng mga lumang album ni Nonoy Zuniga, kulang-kulang ba sila?!!! Pero naisip ko ok lang yun si Nonoy Zuniga naman eh, Kapwa Ko Mahal Ko.

Pebrero 2007 na, sana ngayong taon na ito ay maglabas pa kayo ng musika.

greenmangoes12 wrote on Feb 3, '07
Walang Discotillion sa Odyssey Branches lalo na sa Gateway.. wasak. :-(
nardabanda wrote on Feb 5, '07
talaga? baka naubos na, must tell our distributor
greenmangoes12 wrote on Feb 5, '07
I'll ask them kung nagkaroon ba sila (odeyssey gateway) ng album niyo. =) Para makasiguro kung naubos nga or hindi sila nagkaroon ng album niyo.
Add a Comment
How would you rate this title? (optional)
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help